Price Qty

Bakit Kailangan Mo Ng Eye-Care Monitor

BenQ
2023/08/04

Ang teknolohiya ay naging parte na ng ating modernong buhay. Kasama dito ang monitor na naging bahagi na ng ating pang-araw-araw na ginagamit natin sa trabaho, sa pag-aaral, at pati na rin sa panonood. Madalas tayong gumugugol sa harap ng monitor at habang nagtatagal, ito ay maaaring magsanhi ng stress sa ating mga mata.


Nagiisip ka ba ng paraan kung paano maiiwasan ang pagkapagod at pagsakit ng iyong mga mata at paano protektahan ang mga ito sa mundong digital? Ang pamimili ng tamang monitor ay isang mabuting panimula. Maiiwasan ang pananakit ng ulo at mata sa pamamagitan ng paggamit ng monitor na may makabagong teknolohiyang nakakatulong upang maiwasan ang Computer Vision Syndrome (CVS). Katulad na lamang ng mga BenQ monitors na idinisenyo gamit ang eksklusibong eye-care technology upang makatulong na alisin ang stress na sanhi ng paggamit ng tradisyonal na monitor.


Ang Low Blue Light Technology, Flicker-Free, Brightness Intelligence, at Brightness Intelligence Plus ay ilan lamang sa mga tampok na teknolohiyang idinisenyo ng BenQ para sa mga monitor nito upang makatulong at makapagbigay ng magandang karanasan sa mga gagamit nito.

Cable_v2
1. Flicker-Free Eye Protection

Ang mga nakasanayan na nating LCD screens ay kumikislap o nagfiflicker ito sa bilis na 250 beses bawat segundo na hindi nakikita ng ating mata.


Sa loob ng 8 oras, umaabot ng halos 5.8 milyong beses and pagflicker ng monitor . Ang mahabang exposure sa flickering screen ay makakaapekto ng husto sa kalusugan ng iyong mata. Mas karaniwan sa mga mag-aaral at sa mga madalas gumamit ng computer sa kanilang pang-araw-araw na buhay and ang pagkapagod ng mata dahil dito at naaapektuhan nito ang kanilang mga kakayahan sa pag-aaral at pagtatrabaho.


Ang BenQ monitor ay mayroong flicker-free technology na sertipikado ng TÜV Rheinland International. Ito ay tumutulong sa pagalis ng pangunahing sanhi ng flickering monitor. Binabawasan nito ang presyon at pagkapagod ng mata na nagmumula sa matagal na pagtitig at paggamit sa screen. Sa pamamagitan nito, maaari tayong gumamit ng monitor na hindi nakakaapekto sa kalusugan ng ating mga mata habang napapanatili ang kalidad ng display.

BenQ Value Content

Merong Flicker-Free technology

BenQ Value Content

Walang Flicker-Free technology

2. Low Blue Light Technology

Ang liwanag ay nahahati sa nakikitang liwanag o visible light (420nm~780nm) at hindi nakikitang liwanag o invisible light (infrared light >780nm o ultraviolet light <420 nm).


Ang visible light ay pumapasok sa retina at nagsasanhi ng pinsala sa mata. Ang blue light ay ang pinakamalakas na visible light na itinuturing na mapanganib sa mata. Sa matagal na paggamit ng monitor sa panonood ng videos, paggawa ng takdang-aralin, o paglaro ng video games, hindi natin namamalayan na ang malakas na blue screen light ay pumapasok na sa ating mga mata na at maaaring makaapekto sa macula ng retina at kalaunan ay humantong sa mga sakit na nauugnay sa mata. Maaari ding maapektuhan ng blue light ang produksyon ng sleep-inducing hormone melatonin na nakakaresulta sa sleep disorders o kahirapan sa pagtulog.


Kaya naman ang BenQ ay nagdisenyo ng dalawang uri ng teknolohiya upang protektahan ang kalusagan ng mata ng mga gagamit ng BenQ monitor. Ito ay ang Low Blue Light Technology na nag-aalis ng blue light (420~480nm) at ang Low Blue Light Plus Technology na nagsasala ng nakakasamang radiation (420~455nm) upang mabawasan ang pinsalang hatid nito habang pinapanatili ang picture quality ng ating mga monitor ng walang pagbabago sa mga kulay ng dilaw.

3. Brightness Intelligence Plus Technology (B.I.+ Tech.)

Kadalasan, hindi natin napapansin na ang liwanag ng ating paligid ay isang mahalagang factor na nakakaimpluwensya sa ating mata at karanasan ng paggamit ng monitor. Ang matinding pagkakaiba ng liwanag ng kapaligiran o kuwarto at ng liwanag mula sa monitor ay maaaring maging sanhi ng pagkapagod ng mata. Sa mas maliwanag na kapaligiran, mas kinakailangang magtiyaga ng mata upang maiwasan ang liwanag na sanhi ng reflection. Kung nasa madilim na silid naman, ang ating mga mata ay nangangailangan ng mas maraming enerhiya upang makapagpokus sa isang napakaliwanag na display. Sa paglipas ng panahon, ay maaari tayong magkaroon ng sakit sa mata o matitinding problema tulad ng pananakit ng ulo at malabong paningin dahil dito.


Ang eksklusibong Brightness Intelligence Technology (B.I. Tech.) at Brightness Intelligence Plus Technology (B.I.+ Tech.) ng BenQ ay may kakayahan na awtomatikong ayusin ang liwanag ng display batay sa kapaligiran. Nararamdaman ng ambient light sensor ng B.I.+ Technology ang liwanag sa paligid para maadjust nito ang temperatura ng kulay ng screen na naaayon para sa ating mata. Kasama ang real-time algorithms, awtomatikong inaayos ng B.I.+ ang liwanag ng display at temperatura ng kulay upang makapagbigay ng kumportableng panonood sa mga gagamit, sa ilalim man ng nakakarelaks na ilaw sa bahay, puting ilaw sa opisina, o sikat ng araw na nagmumula sa bintana.

BenQ Value Content
4.Height Adjustment Stand (HAS)

Hindi bababa sa 110mm mula sa base ang Height Adjustment Stand ng BenQ, ito ay nagbibigay-daan sa mga gagamit nito na mahanap ang kanilang naaayon na viewing angle upang sila ay maging kumportable sa kanilang trabaho o maging sa screen sharing man at sa pamamagitan nito, maaari nilang itagilid, iikot, at igalaw ang height ng kanilang monitor base sa kanilang gusto. Ang height adjustment stand ay isa ring perpektong solusyon para sa mga estudyante sa middle school na tumatangkad araw-araw; dahil din dito ay mabilis na naaayos ng mga mag-aaral ang posisyon ng kanilang monitor upang sila ay maging komportable.

5. Color Weakness Mode

Ginawa ng BenQ ng Color Weakness Mode para sa may color weakness upang mapadali ang kanilang panonood sa pamamagitan ng pag enhance ng color tones ng monitor at pag-tune ng mga color filters.


Ang pinakakaraniwang color weaknesses ay ang red color deficiency (o protanomaly) at ang green color deficiency (o deuteranomaly). Kaya naman gumawa ang BenQ ng red filter at green filter para sa mga may red at green color deficiency. Gamit ang BenQ Color Weakness Mode, maaari nang makaunawa ng mga pie charts, statistics at mga larawan ng walang hirap ang mga taong may color weakness. Sa gayon, magkakaroon din sila ng kakayahang makakita ng iba’t ibang klase ng kulay at mas maayos na colored view.

Was this article helpful?

Yes No

Subscribe to Our Newsletter

Stay tuned for our product launches, upcoming news and exclusive benefits.

Subscribe
TOP